The official music video of "Hiling" by 1:43, one of the tracks in the boy band's second album "Sa Isang Sulyap Mo."
HILING
by 1:43
Kay layo mo sa ‘kin
Tila isang bituin
Kay layo mo sa ‘kin
Kay hirap mong ibigin
Lagi na lang akong
Nangangarap nang gising
Nakatulala’t malayo ang tingin
Kinakausap ang mga bituin
CHORUS
Aking hiling sa mga bituin
Sana ika’y makapiling
Sa paghimbing at sa paggising
Sana ako’y mahal na rin
Ang aking hiling sa mga bituin
Pakiusap ko ay dinggin
Sana’y haplusin at tanggapin
Ng puso mong hirap abutin
Hindi naman ako
Ang laman ng pangarap mo
Imposibleng ibigin mo
Pagkat di ako ang gusto
Sadyang napakasakit
Malaman ang totoo
Ibubulong ko na lang sa hangin
ang laman ng aking puso
CHORUS
Aking hiling sa mga bituin
Sana ika’y makapiling
Sa paghimbing at sa paggising
Sana ako’y mahal na rin
Ang aking hiling sa mga bituin
Pakiusap ko ay dinggin
Sana’y haplusin at tanggapin
Ng puso mong hirap abutin
Lagi na lang akong
Nangangarap nang gising
Nakatulala’t malayo ang tingin
Kinakausap ang mga bituin
CHORUS
Aking hiling sa mga bituin
Sana ika’y makapiling
Sa paghimbing at sa paggising
Sana ako’y mahal na rin
Ang aking hiling sa mga bituin
Pakiusap ko ay dinggin
Sana’y haplusin at tanggapin
Ng puso mong hirap abutin