Mag-ina 55 years nawalay sa isa't isa🧓😭
#longlostmotherandsonfound😇
#fromSaudi2Cavitewithlove🇸🇦✈🇵🇭💝
Isang Nanay at anak ang nawalay sa isat isa na kapwa parehong hindi nawalan ng pag asa na darating ang araw at muli nilang makikilala at matatagpuan ang bawat isa. Pagkalipas ng 55 years ay dininig ng Dios ang kanilang mga panalangin ng sa tulong ng isang Pastora na naging daanan para mahanap nila ang isat isa. Bagamat hindi parin sila nagkikita ng personal dahil hindi makauwi ang anak na nasa Saudi dahil sa pandemya kaya minarapat nya na sa unang pagkakataon ay mababati nya at mapapaabutan ng sorpresang handog ang kanyang matagal ng nawawalang nanay ng handog sa kanyang kaarawan na labis namang nagbigay ng umaapaw na kasiyahan sa kanyang Nanay na sobrang naiyak ng malaman na galing sa kanyang nawawalang anak ang sorpresang kanyang natanggap. Ito ang pinaka masayang kaarawan nya sa loob ng 81 years dahil finally ang matagal ng puwang sa kanyang puso at kulang sa kanyang buhay ay kanya ng natagpuan. Panoorin ang video ng sorpresang ito na sobrang nakakaiyak at nakakataba ng puso.
Nawa'y magbigay ito ng inspirasyon sa bawat isa na nawalay rin o may hinahanap din mga nawawalang mahal sa buhay na kahit ilang taon na ang lumipas ay huwag mawalan ng pag asa at pananampalataya dahil sa araw na itatakda ng Dios ay muli nyo ring mahahanap ang matagal nyo ng hinahanap. Tunay na kwento ng buhay exclusive dito lang sa aming Facebook page and also on our YouTube channel 📺
click here to SUBSCRIBE 👇
http://bit.ly/ShopBestOfficialYoutube
Happy 81st birthday 🎉🎂
Mrs. Nieves Bustillo
of Indang, Cavite
Heart-warming birthday presents sent with love by a loving long lost son, Mr. Danilo Bustillo Doquila from Riyadh Saudi Arabia 🧔🇸🇦
Along with the lovely birthday presents, he also sent his heartfelt message and we quote 💌
"Dear Nanay Nieves,
Una po sa lahat ay tanggapin mo po ang taos puso kung pagbati sa iyong espesyal na kaarawan. Bagama’t sa darating pang Linggo July 5 ang Birthday mo, pero ngayon palang binabati na po kita ng Advance Happy Happy 81st Birthday Mahal kong Nanay. Sana masaya ka sa araw na ito at sana'y magustuhan mo ang aking munting sorpresa sayo. Ang lagi kung dasal nawa'y lagi kang gabayan ni God at bigyan kapa ng kalakasan para magkakasama sama pa tayo ng matagal. Ako’y nagpapasalamat sa ating Poong Maykapal at sa wakas dininig nya lahat ng aking mga dasal, at heto dumating din ang araw na tayo'y magkikita muli sa tagal ng panahon na ako’y naghahanap sayo. Imagine 55 year's akong nagbakasakali na hanapin ka at nangangarap na sana isang araw ay makita kana namin. Subalit kahit anong gawin kung paghahanap sayo ay di manlang kita mahagilap, hanggang sa umabot ako sa edad ko na 61 years old ay halos nawalan na ako ng pag asang makita kapang muli. At salamat dahil sa mga payo ng aking mga kaibigan na huwag mawalan ng pag-asa na hanapin ka, mag tiwala lang at magdasal sa ating Panginoon, at may awa ang Diyos magkikita tayo muli, heto na po Nay at malapit na tayo magkita... Taos puso din akong nag papasalamat, sa isang tao na may ginintuang puso at siguro sya ang ginawa na way or instrumento ni God upang magkita tayo muli,, walang iba ang iyong kaibigan na si Pastora Mary Christina Caporado, thank you ng marami Pastora at salamat sa kabaitan mo para sa Nanay ko, God Bless You and Your Family Always... Nay, malaki ang pasasalamat ko kay God at lalo na sayo, at kahit ganun nangyari sa buhay natin, nagkawalay man tayo ng mahabang panahon, pero hanggang ngayo'y mahal na mahal ka parin naming mga anak mo. Hanggang dito nalang ang aking mensahe at medyo napahaba na yata ang naisulat ko hehehe...
Again Happy Happy 81st Birthday mahal kong Nanay. Mag-iingat po kayo palagi jan at huwag mong pababayaan sarili mo, mag palakas kapa lalo jan at may awa ang Diyos, mawala na sana ang covid na ito at ng malapit na tayo magkita. Nanay lagi mo pong tatandaan, mahal na mahal ka naming magkakapatid, I love you Nanay.
Ang nagmamahal mong anak na panganay,
Danilo Bustillo Doquila.
P.S.
Para sa aking bunsong kapatid na si Alex Bustillo at sa aking pamangkin na si Josephine Bustillo, maraming maraming salamat sa inyong dalawa sa pag aalaga at pag aaruga ninyo kay Nanay, sa kabilang malayo ako at hindi ko sya naaalagaan ay nandyan parin kayo para sa kanya. Pasensya na kayo at nasa malayo ako at maraming salamat ulit sa inyo. Thank you so much din sa ShopBest My Best Shoppers at malaking tulong sa tulad naming mga OFW na nasa malayong lugar, para mabigyan saya at sorpresa ang aming mga mahal sa buhay. God Bless Po"