Paano Gupitan ng Tainga ang Biik?
Piglet Eartnotching
Sa ikatlong araw pagkaanak sa biik ay sumasailalim ito sa 1day stress.
1. Putol ngipin
2. Putol Buntot
3. Gupit Tainga
4.Tutok iron.
Ginagawa natin ito sa ikalong araw nila upang masiguro na nadede na ng biik ang kinakailangan colostrum o paunang gatas ng inahin. Ang Colostrum ay pinaka masustansyang gatas mula sa nanganak na inahing baboy. Makatutulong ito upang makaiwas sa anumang infection ang ating mga biik.
Isinasagawa natin ang pag gugupit ng tainga upang maglagay ng marka sakaling makalimot tayo sa date of their birth.
Hinahati natin ang tainga ng biik into quadrant or 4 na bahagi kaliwa at kanan.
Sa bawat bahagi ng quadgant ay maari tayong gumupit ng dalwang triangle mark gamit ang ating pang gupit. bawat gupit ay may knya knyang katumbas na bilang dependi sa location sa quadrant.
Ang bilang ng bawat gupit sa dalwang tainga ay maaring e combine dependi sa iyo bilang may ari.
Maari ka ding magpasaya kng paano mo ilalagay o saang location sa quadgant angniyong mga gupit.
Kung may katanungan maari kayong mag send ng chat sa ating fb page
CMA Agri Farm
or maari nyong e comment ang inyong mga tanong.
Thanks mga ka Motmot